Nagmahal pa nang 50 sentimos ang presyo ng itlog sa ilang pamilihan sa Metro Manila.
Ito, ayon sa Philippine Egg Board, ay kahit stable ang presyuhan sa farm gate.
Dahil dito, nasa P8.50 hanggang P10 na ang kada piraso ng itlog sa Balintawak at Mega Q Mart sa Quezon City, depende sa laki.
Tumaas din ng piso ang kada piraso ng itlog na maalat kaya aabot na sa P16 ang presyo nito.
Una nang inihayag ng Samahang Industriya ng Agrikultra na nagmahal ang production cost ng itlog at apektado ang supply sa Metro Manila dahil sa pagkalat ng bird flu virus sa ilang lalawigan sa Luzon.