Nakaambang tumaas ang presyo ng kada kilo ng bigas.
Ito ang maagang abiso ng mga rice supplier sa mga palengke bunsod ng tinamong pinsala ng ilang sakahan matapos ang paghagupit ni bagyong Karding.
Pero sa kabila nito, sinabi ng Department of Agriculture (DA) na wala-gaanong epekto sa suplay ng bigas ang pagkasira ng ilang sakahan sa bansa.
Samantala, pumalo naman sa P10 kada kilo ang itinaas ng ilang gulay gaya ng carrots, patatas at baguio beans.