Hindi apektado ang presyo ng kada kilo ng bigas sa Baguio Public Market sa kabila ng patuloy na pagtaas ng presyo ng petrolyo.
Nabatid na nasa P36 hanggang P38 ang presyo kada kilo ang regular milled rice, nasa 40 hanggang 46 pesos sa kada kilo ng imported rice, at nasa P34 hanggang P35 naman ang kada kilo ng durog na bigas.
Sinasabing walang nangyaring pagtaas sa presyo ng bigas kahit pa tumaas ang presyo ng mga produktong petrolyo na nakakaapekto sa transportasyon ng mga bigas.
Samantala, mayroong sapat na suplay ng bigas ang mga itinitinda sa naturang merkado.