Posibleng madagdagan ng P20 ang presyo ng kada kilo ng karneng baboy sa Metro Manila.
Ito, ayon kay Agriculture Assistant Secretary Kristine Evangelista, ay dahil sa dagdag gastos sa pag-angkat ng karneng baboy mula sa Mindanao Region at regular testing para sa African Swine Fever (ASF).
Sinabi ni Evangelista na marami pang cost o ipinapatong sa presyo ng karneng baboy bago pa ito tuluyang lumapag sa mga palengke.
Una nang inihayag ng Department of Agriculture na nakikipag-ugnayan na sila sa mga supplier sa Mindanao para masolusyunan ang kakulangan ng suplay ng karneng baboy sa Luzon matapos isulong sa Pangulong Rodrigo Duterte na magpatupad ng price ceiling para sa karne ng baboy at manok na malaki ang itinaas ng presyo kahit may price freeze noong isang taon dahil sa ASF.