Nagtaas na rin ng presyo ang ilang tindahan ng kakanin sa Lungsod ng Maynila.
Kasunod na rin ito nang pagsipa ng presyon ng mga pangunahing sangkap sa paggawa ng kakanin.
Nabatid na 50 pesos o nasa 450 pesos na ang presyo ng kada tray ng sapin sapin, cassava, rice cake, kutsinta at ube.
Ayon sa mga gumagawa ng kakanin, nasa 3,200 pesos na mula sa dating 1,900 pesos ang kada sako ng puting asukal kaya’t brown sugar na lamang ang ginagamit nila.
Bumaba na rin anila ang nakukuha nilang orders kada araw na nasa pitong tray na lamang mula sa dating 10 pataas.