Pinayuhan ng DTI o Department of Trade and Industry ang publiko na agahan ang pamimili ng kandila upang makaiwas sa mas mataas na presyo.
Katulad ng bulaklak, nagsimula na ring tumaas ang presyo ng kandila na gagamitin para sa paggunita ng Undas.
Sa monitoring ng DWIZ patrol, nasa P5 hanggang P10 na ang itinaas ng mga kandila lalo na ang mga scented candles.
Posibleng tumaas pa umano ito habang palapit ang Undas subalit tiniyak ng DTI na patuloy naman silang magbabantay sa presyo ng kandila.
By Len Aguirre | Jopel Pelenio (Patrol 17)