Posibleng tumaas ang presyo ng kape sa bansa sa mga susunod na araw.
Ito ayon sa Philippine Coffee Board, ay dahil sa kakulangan sa global supply at mas mataas na halaga ng nasabing produkto.
Sinabi ni PCB President at Co-Chairperson Pacita Juan, maaaring sumirit ng humigit-kumulang 20% ang presyo ng kape.
Gayunman, binigyang-diin ni Chairperson Juan na maaaring makinabang ang mga lokal na magsasaka sa pagtataas ng presyo ng kape kung makagagawa ang mga ito ng magandang kalidad ng beans.
Batay sa tala ng PCB, halos dumoble sa 350 pesos mula sa dating 180 pesos kada kilo ang farm-gate price ng robusta, ang pinaka-pino-produce na uri ng kape; habang ang commercial-grade coffee ay pumalo sa 320 pesos kada kilo. – Sa panulat ni John Riz Calata