Inihayag ng Department of Agriculture na posible nang bumaba ang presyo ng karne ng baboy at manok sa merkado sa susunod na taon.
Ayon kay DA Undersecretary Mercedita Sombilla, bumaba na sa P300 hanggang P320 mula sa dating P380 hanggang P400 ang presyo sa kada kilo ng baboy sa merkado.
Maglalaro naman sa P150 hanggang P160 mula sa dating P180 hanggang P200 ang presyo sa kada kilo ng manok sa mga pamilihan.
Sinabi ni Sombilla, na inaasahang mas bababa pa ang presyo ng mga karne sa pagpasok ng taong 2023
Matatandaang nito lamang Lunes, inilatag ng ahensya ang kanilang Year-end Accomplishment Report at Agricultural Outlook na bubuo at babalanse sa importasyon ng karne sa bansa para sa susunod na taon.