Nananatiling normal ang bentahan ng mga karne ng baboy at manok sa mga pamilihan sa bansa.
Ito ang tiniyak ni Samahang Industriya ng Agrikultura o SINAG President Rosendo So habang papalapit na ang Kapaskuhan.
Ayon kay So, batay sa kanilang patuloy na pagmomonitor, wala silang nakitang paggalaw sa presyuhan ng mga karne ng baboy at manok sa bansa.
Dagdag ni so, kanila ring binabantayan ang mga grupo ng mga negosyante na posibleng mananamantala sa presyo ng mga nasabing karne kasabay ng inaasahang pagdagsa ng mga mamimili ngayong holiday season.
Pagtitiyak ni So, kanilang pagpapaliwanagin ang sinumang mga negosyante na hindi susunod sa nakatakdang Suggested Retail Price o SRP sa mga ibinebentang karne.
—-