Posibleng tumaas ang presyo ng karne ng baboy sa mga susunod na araw.
Ayon kay Agriculture Assistant Secretary Noel Reyes, batay sa isinagawa nilang konsultasyon sa mga hog raisers, tumaas ang production cost dahil limitado ang suplay ng baboy lalo na sa Central Luzon at Calabarzon na tinamaan ng African Swine Fever (ASF).
Sinabi ni Reyes na ang kasalukuyang P190 na suggested retail price ng karne ng baboy ay nakabase sa lumang production cost at farm gate price.
Ang dating P120 anya na farm gate price ay umaabot na ngayon sa P150.
Dahil dito, pinag-aaralan na anya ng livestock group ng DA na itaas ang SRP para sa karne ng baboy.