Muling tumaas ang presyo ng karne kabilang na ang baboy at manok sa ilang pamilihan sa Metro Manila.
Sa Marikina Public Market, tumaas ng P20 o kasalukuyang nasa P180 ang kada kilo ng manok na dating nasa P150 hanggang P160 kada kilo.
Nananatili ding mataas ang presyo sa kada kilo ng baboy sa merkado dahil narin sa magkakasunod na taas-singil sa presyo ng produktong petrolyo. —sa panulat ni Angelica Doctolero