Tumaas ang presyo ng karne sa mga pamilihan sa Metro Manila dahil sa African Swine Fever (ASF).
Nabatid na nasa P420 ang kada kilo ng pork belly sa Trabajo Market samantalang nasa 400 bawat kilo ang kada kilo ng pigue at kasim.
Sa Mabini Market sa Caloocan P410 naman ang presyo ng pork belly at nasa P390 ang pigue at kasim kada kilo.
Halos ganito rin ang presyuhan ng kada kilo ng karneng baka sa mga pamilihan.
Dahil dito ilang residente na ang bumibili ng mas murang frozen pork products.
Inamin ni Agriculture Spokesperson Noel Reyes ang kakulangan ng supply ng karne dahil nga sa ASF.
Kasabay nito hiniling ni Nicanor Briones, vice president ng Pork Producers Federation of the Philippines sa gobyerno na magdeklara ng state of calamity dahil labis na naapektuhan ng ASF ang maraming farm sa Luzon kaya nga’t nagmahal ang presyo ng karne.
Kailangan aniyang gawin ito ng gobyerno dahil nahaharap na ang bansa sa food crisis dulot ng problema sa ASF.