Siniguro ng Department of Agriculture (DA) na walang magiging pagtaas sa presyo ng karne ng baboy at manok sa kabila ng nararanasang El Niño phenomenon.
Ayon kay Agriculture Undersecretary Jose Reaño, nanatiling stable ang suplay at presyuhan ng mga karne hanggang sa Kapaskuhan dahil napaghandaan ito ng mga poultry at hog raisers.
Kaugnay nito, sinabi ni Reaño na walang ring dahilan para tumaas ang presyo ng mga processed meat tulad ng hamon at mga de lata.
Noche Buena items
Pinayuhan ang mga mamimili na ngayon palamang ay unti-untiin na ang pagmimili ng mga noche buena items.
Ayon sa Department of Trade and Industry (DTI), ito ay upang makaiwas sa pila tuwing Pasko at baka magkaubusan pa ng suplay ng mga produkto tulad ng fruit cocktail, pasta, macaroni at iba pa.
Payo naman ni Steven Cua, Pangulo ng philippine Association of Amalgamated Groceries and Supermarket, ugaliing tignan ang expiry date ng mga produktong bibilhin lalo’t ilang buwan pa bago ito ikunsumo.
Pagkatapos ng Undas ay ilalabas na ng DTI ang suggested retail price para maging gabay ng mga bibili ng noche buena products ng mas maaga.
By Rianne Briones