Tiniyak ng Samahang Industriya ng Agrikultura o SINAG na hindi apektado ng El Niño ang mga karne ng manok at baboy.
Sa panayam ng DWIZ, sinabi ni Rosendo So, Pangulo ng SINAG na nananatiling mababa ang live weight price ng baboy na nasa P113-115 pesos.
Ibig sabihin, dapat nasa P185 pesos pa rin ang Suggested Retail Price sa kada kilo ng baboy.
Sa presyo naman ng live weight price ng manok, sinabi ni So na nasa P85 pa rin ito kaya’t dapat nasa P125 pesos ang Suggested Retail Price ng kada kilo ng manok.
Presyo ng luya
Binabantayan ngayon ng Samahang Industriya ng Agrikultura o SINAG ang biglaang pagsirit ng presyo ng luya sa mga pamilihan.
Inihayag sa DWIZ ni SINAG President Rosendo So, bagama’t tama ang naging pahayag ni Agriculture Secretary Proceso Alcala na maihahambing sa lean months ng luya ang panahong ito, ngunit hindi dapat sumipa ng napakataas ang presyo nito.
Gayunman, hindi iniaalis ni So ang posibilidad na mayroong mga negosyanteng nagpapatupad ng kartel sa luya.
By Jaymark Dagala | ChaCha