Tumaas na rin ng 10 hanggang 20 Piso kada kilo ang presyo ng karneng baboy sa ilang pamilihan bunsod ng mainit na panahon.
Una nang nagtaas ang presyo ng manok sa ilang pamilihan sa kaparehong halaga at dahilan nuong mga nakaraang araw.
Sa Commonwealth Market sa Quezon City, umakyat sa 220 Pesos ang presyo ng kada kilo ng liempo mula sa dating presyo nito na 200 Pesos.
Nadagdagan din ng 10 Piso ang presyo ng pork chop, na ngayo’y nasa 190 pesos kada kilo, at ang ribs, na nasa 170 pesos kada kilo na.
Tumaas din ng 10 Piso ang presyo ng mga karneng baboy sa ilang tindahan sa Mega Q Mart sa Quezon City.
Paliwanag ng mga retailer at dealer , naubos na ang suplay ng baboy sa “backyard piggery” na ibinebenta ng mas mura at sa malalaking babuyan na sila kumukuha ngayon.