Naitala ang pagbaba sa presyo ng karneng baboy sa merkado kasunod ng African Swine Fever outbreak sa Bulacan at Rizal.
Ayon kay Trade and Industry Secretary Ramon Lopez, bumaba ng hanggang 13 percent ang presyo ng baboy na mabibili na ngayon sa 200 hanggang 220 kada kilo.
Bunsod ito ng pagbaba ng demand sa karneng baboy kasunod ng kumpirmasyon ng ASF sa bansa.
Sa kabila nito, sinabi ni Lopez na maituturing pa ring stable ang presyuhan ng karneng baboy sa bansa.