Tumaas ng hanggang bente pesos ang kada kilo ng baboy sa ilang pamilihan sa Metro Manila.
Ayon sa grupong Laban Konsyumer, bunsod ito ng pagmahal din ng dalawa hanggang limang piso kada kilo ng karneng baboy mula sa mga local farmers.
Ipinagtataka naman ito ni Laban Konsyumer President Atty. Vic Dimagiba dahil ngayon lang aniya ito nangyari sa loob ng isang taon nilang pagmomonitor sa presyo ng karneng baboy.
Isa naman sa tinitignang dahilan dito ng grupo ay ang pagbaba ng suplay sa merkado bunsod na rin ng pagbabawal sa pagpasok ng mga imported na baboy mula sa mga bansang may kaso ng African Swine Fever.
Kaugnay nito, iminumungkahi ng grupo na pag-aralan ng pamahalaan ang pansamantalang paglalagay ng SRP o Suggested Retail Price sa karneng baboy.