Tumaas ng dalawampu (P20) hanggang tatlumpung (P30) piso ang presyo ng karneng baboy sa merkado.
Sa pag-iikot ng DWIZ Patrol, ang dating 200 pesos kada kilo ng liempo ay mabibili na sa 230 pesos kada kilo habang ang laman ng baboy na dating 180 kada kilo ay mabibili na sa 200 pesos kada kilo.
Maraming mga tindera ang naninibago sa pagtaas ng presyo ng baboy lalo’t panahon ngayon ng Semana Santa kung saan mas mabenta ang isda at gulay.
Sinabi naman ni Samahang Industriya ng Agrikultura Chairman Rosendo So, ang pagtaas ay naging bunga ng pagkalugi ng maraming backyard raiser noong nakaraang taon kaya naghigpit ang suplay ng karneng baboy.
Kasama na rin aniya dito ang pagtaas ng presyo ng feeds at krudo.
By Rianne Briones