Dahil sa pagsirit ng presyo ng kada kilo ng karneng baboy, naghihigpit na ngayon ng sinturon ang mga mamimili sa Luzon.
Napag-alaman na nasa P300 na ang kada kilo nito sa ilang lugar, kabilang ang Kamuning Market sa lungsod ng Quezon.
Bunga nito, napipilitan nang bumili ng gulay ang ilang mga kababayan natin para makatipid.
Samantala, isiniwalat ng Bureau of Animal Industry (BAI) na nag-ugat sa African swine fever ang problema sa supply ng baboy dahilan upang maapektuhan ang presyo nito.
Matatandaang iniulat ng Philippine Statistics Authority na isa sa mga nagpabilis ng inflation o ang bilis ng paggalaw sa presyo ng bilihin at serbisyo noong nakaraang buwan ang taas-presyo ng karneng baboy.
Tinatayang 20% ng hog industry ang tinamaan ng ASF.