Sumirit ang presyo ng karneng baboy sa ilang pamilihan sa Metro Manila.
Batay sa bantay presyo ng Department of Agriculture, naglalaro na sa ₱270 hanggang ₱370 ang presyo ng kada kilo ng kasim, kumpara sa ₱265 hanggang ₱360 na presyo ng kada kilo nito noong nakaraang linggo.
Aabot naman sa ₱300 hanggang ₱400 ang presyo ng kada kilo ng liempo, kumpara sa ₱295 hanggang ₱400 na presyo ng kada kilo nito noong nakaraang linggo. - sa panulat ni Charles Laureta