Bahagyang bumaba sa 99 dollars at 91 cents ang presyo ng produktong petrolyo, partikular ang Brent Crude, na global benchmark sa kabila ng sagupaan sa pagitan ng Russia at Ukraine.
Ito na sa ngayon ang pinaka-mababang presyo ng kada bariles ng krudo simula noong Pebrero.
Unti-unting bumaba ang presyo ng langis makaraang magpatupad ng malawakang lockdown dahil sa panibagong COVID-19 outbreak sa China, na nangungunang oil importer.
Bumaba naman sa 99 dollars at 44 cents ang kada bariles ng West Texas Intermediate Crude, na US benchmark habang nasa 113 dollars at 35 cents ang dubai crude, na inaangkat ng Pilipinas.