Tumaas ng dalawang porsyento ang presyo ng mga produktong petrolyo sa international market.
Ito’y makaraang pasabugan at puntiryahin ng mga drone ang pinaka-malaking oil company sa mundo na Aramco sa Saudi Arabia.
Ayon sa mga otoridad, inatake ng Yemeni rebel group ang pipeline ng Aramco kaya’at pansamantalang ipinatigil ang produksyon ng langis.
Bukod sa mga tubo ng aramco, inatake rin ang dalawa nitong oil tankers sa United Arab Emirates.
Ang Saudi Arabia ang pinaka-malaking oil producer at exporter kaya’t sa oras na maapektuhan ang kanilang operasyon dahil sa kaguluhan ay tiyak na apektado rin ang oil supply ng mundo.