Posibleng walang maging paggalaw sa presyo ng kuryente ngayong buwan.
Ayon kay Manila Electric Company (MERALCO) Spokesman Jose Zaldarriaga, bagama’t nagkaroon ng yellow alert ay hindi naman ito nagbunsod sa rotating brownout.
Matatandaang limang sunod-sunod na buwan nang na-eenjoy ng mga customer ng Manila Electric Electric Company (MERALCO) ang mababang generation charge kung saan nitong nakaraang buwan naitala ang pinakamababang generation charge sa nakalipas na limang taon.
The Big One
Handa ang Manila Electric Company o MERALCO sa sakaling dumating na ang The Big One at iba pang sakuna.
Ayon kay MERALCO Spokesman Joe Zaldarriaga, mayroon crisis management team ang MERALCO na siyang tututok kapag may sakuna at magsisiguro ng suplay ng kuryente sa ganitong panahon.
Samantala, umapela ang MERALCO sa mga customer na agad na ipagbigay alam sa kanila ang mga puno na nakakasagabal na sa linya ng kuryente.
By Rianne Briones | Karambola