Tumaas pa lalo ang presyo ng mga lamang dagat kahit natapos na ang Semana Santa dahil sa nananatiling mataas din ang presyo ng karne sa mga pamilihan.
Batay sa monitoring ng DWIZ, tumaas sa Apatnaraang Piso ang presyo ng kada kilo ng Talakitok mula sa dating Tatlongdaang Piso.
Nagmahal din sa Limang Daang Piso ang kada kilo ng Hipon mula sa dating Apatnaraang Piso habang nasa Dalawandaan at Animnapung Piso ang presyo ng hasa-hasa habang nasa isandaan at animnapung piso ang kada kilo ng tambakol.
Samantala, mula pa Disyembre ay nasa isandaan at walumpung piso ang presyo ng kada kilo ng pork kasim, pigue at pork chop habang nasa dalawandaan at sampung piso ang kada kilo ng liempo habang ang lomo ay nasa dalawandaan at tatlumpung piso kada kilo.
By: Jaymark Dagala