Mababa pa rin ang presyo ng langis sa nalalabing bahagi ng taon hanggang sa unang buwan ng 2016.
Ito, ayon kay PTT Philippines General Manager Danilo Alabado, ay dahil sa sobrang dami ng supply ng petroleum products sa bansa.
Binanggit ni Alabado ang umano’y kabiguan ng Organization of the Petroleum-Exporting Countries o OPEC na magkaroon ng consensus kung paano aayusin ang supply ng langis.
Ipinagmalaki naman ni Alabado na mas mababa ng 50 hanggang 60 porsyento ang presyo ng langis kumpara sa kaparehong panahon noong 2014.
Sinegundahan naman ito Raymond Zorilla ng Phoenix Petroleum sa pagsasabing patuloy pang babagsak ang presyo ng mga produktong petrolyo hangga’t hindi nama-manage nang mabuti ang supply nito sa merkado.
By Jelbert Perdez