Asahan na ang panibagong price hike sa produktong petrolyo sa Martes.
Kung saan P0.90 sentimo hanggang P1.20 sentimo ang magiging pagtaas sa presyo ng kada litro ng diesel.
Habang P0.30 sentimo naman ang inaasahang pagsipa sa presyo ng gasolina at P1.00 – P1.30 sentimo ang presyo ng kada litro ng kerosene.
Ito’y dahil sa inaasahang paglakas ng demand sa langis ng China at India kasabay ng bawas-produksyon ng Saudi Arabia.