Bahagya na namang tumaas ang presyo ng mga produktong petrolyo sa international market matapos ang pag-atake sa ilang oil facility sa Saudi Arabia at oil embargo laban sa Russia.
Muling sumampa sa 114.55 dollars ang presyo ng kada bariles ng global benchmark na brent crude kumpara sa 110.45 dollars noong Sabado.
Lumundag naman sa 108.99 dollars ang presyo ng Dubai crude na ginagamit ng ilang bansa sa South East Asia, tulad ng Pilipinas, kumpara sa 104.89 dollars noong Miyerkules.
Samantala, ibinabala ng Saudi government na may malaking epekto sa supply at presyuhan ng langis sa pandaigdigang merkado kung magpapatuloy ang pag-atake ng mga rebeldeng Houthi ng Yemen sa mga oil facility ng Saudi Arabia.