Nanganganib sumirit sa mahigit 80 hanggang 100 dollars per barrel ang presyo ng krudo sa international market.
Ayon sa Department of Energy o DOE, kabilang sa mga dahilan ang nagbabadyang economic sanctions ng Estados Unidos sa energy industry ng Iran na ipatutupad simula Nobyembre at pagbaba ng produksyon sa Venezuela.
Ang Iran at Venezuela ay kabilang sa pinakamalaking oil producer at importer.
Batay naman sa pagtaya ng International Energy Agency, maaaring mapako sa 75 hanggang 80 dollars per barrel ang presyo.
Gayunman, kung magkakaroon ng kalamidad gaya ng pinangangambahang pananalasa ng hurrican sa US at hindi inaasahang geopolitical events tulad ng digmaan, tiyak anilang sisirit ang presyo hanggang 100 dollars per barrel.
May epekto rin anila ang nagpapatuloy na trade war sa pagitan ng US at China na nakaaapekto naman sa presyo ng mga bilihin sa mga bansang nakadepende sa American at Chinese products.
—-