Muli na namang magpapatupad ng panibagong umento sa presyo ng mga produktong petrolyo ang mga oil company sa pagpasok ng linggong ito.
Ayon sa source ng DWIZ sa industriya ng langis, aabot sa P0.40 hanggang P0.50 ang posibleng itaas sa presyo sa kada litro ng gasolina, diesel at kerosene.
Ito na ang ika-limang sunod na linggo na magpapatupad ng oil price hike ang mga kumpanya ng langis dahil sa malikot na presyuhan nito sa world market.
Mula sa pagpasok ng taon, aabot na sa P2.25 ang itinaas sa presyo ng kada litro ng diesel maliban pa sa excise tax dito na P2.80.
Habang P1.35 naman ang itinaas sa presyo ng kada litro ng gasolina maliban pa sa P2.90 na excise tax dito.