Matapos ang ipinatupad na rollback nuong isang linggo, taas presyo naman sa mga produktong petrolyo ang naka-abang sa mga motorista ngayong papasok na lingo
Batay sa monitoring ng Department of Energy, papalo mula sa 60 hanggang 70 Sentimos ang inaasahang taas presyo sa kada litro ng gasolina
Maglalaro naman sa 25 hanggang 35 sentimos ang taas presyo sa kada litro ng diesel
Habang mula 30 hanggang 40 sentimos naman ang inaasahang taas presyo sa kada litro ng kerosene
Ang panibagong oil price adjustment ay bunsod pa rin ng paggalaw sa presyo ng langis sa pandaigdigang pamilihan
By: Jaymark Dagala