Inaasahang tataas ang presyo ng lechon sa mga susunod na linggo sa La Loma, Maynila habang papalapit ang Pasko.
Ayon sa negosyanteng si Luring Atencio, ramdam na niya ang paglakas at pagtaas ng presyo ng nasabing paninda simula pa noong huling linggo ng Oktubre.
Sinabi pa nito na hindi rin niya tantyado kung magkano ang idadagdag dahil tawid-dagat o mula pa sa visayas ang suplay ng mga baboy.
Samantala, naglalaro ngayon sa halagang P6,000 hanggang P10,000 ng ibinebentang lechon depende sa laki. —sa panulat ni Airiam Sancho