Patuloy na tumataas ang presyo ng lechon sa La Loma, isang linggo bago ang Pasko.
Ayon sa mga nagtitinda, naglalaro sa ₱6,500 ang presyo ng maliit na lechon, habang nasa ₱15,000 ang preso ng malaki.
Umaabot naman sa ₱1,200 ang presyo ng kada kilo ng lechon sa La Loma.
Samantala, mahaba na ang pila ng mga bumibili ng hamon sa isang pamilihan sa Quiapo, Manila.
Naglalaro sa ₱1,760 hanggang ₱1,880 ang presyo ng kada kilo ng Chinese ham sa naturang lugar.
Habang nasa ₱1,640 naman ang presyo ng kada kilo ng scrap ham. - sa panulat ni Charles Laureta