Tumaas ang presyo ng lechon sa La Loma, Quezon City dahil sa pagtaas ng presyo ng mga sangkap.
Isanlibo ang itinaas ng lechon depende sa laki halimbawa na lamang ang de leche na nasa P8,000 ngayong buwan kumpara sa P7,000 sa kaparehong panahon noong nakaraang taon.
Ayon sa Department of Agriculture (DA), na stable ang presyo ng baboy ngunit tumaas din ang presyo ng mga sangkap tulad ng sibuyas na nasa P240 kada kilo sa Metro Manila.
Inihayag ni Ramon Fererros, pangulo ng La Loma Lechoneros, isa sa mga dahilan nang pagmahal ng kanilang produkto ang lumalaking transportation cost ng mga baboy mula sa probinsya, lalo’t walang backyard raisers sa Metro Manila.
Samantala, tumaas na rin ng P20 hanggang P40 ang presyo ng lechon manok. —sa panulat ni Jenn Patrolla