Tumaas na ngayong araw ang presyo ng lechon sa La Loma, Quezon City.
Ito ay matapos dumagsa na ang mga order para sa malalaking event na idinaraos ngayong holiday season.
Batay sa ulat, pumalo na sa P8,000 ang presyo ng 8 kilos lechon.
Sumampa naman sa P20,000 ang 20 kilos lechon, mas mataas kumpara sa P18,000 noong nakaraang taon.
Inaasahan naman ng mga nagtitinda na tataas pa sa P1000 -P 5000 ang presyo ng lechon sa pasko at bagong taon depende sa bigat ng baboy.
Ang mga baboy ay nagmula sa mga probinsyang walang backyard raisers kung saan nadagdag rin sa presyo ang travel permit mula sa Bureau of Animal Industry.