Sumipa sa limang beses ang presyo ng lithium na ginagamit sa paggawa ng mga rechargeable na baterya simula Abril nang nakaraang taon matapos tumaas ang demand mula sa mga automaker ayon sa ulat ng British research firm na Argus Media
Batay sa tala tumaas ang presyo nito na kadalasang kinakalakal sa Chinese Yuan sa humigit-kumulang 89,000 yuan o $13,200 bawat tonelada noong Abril noong nakaraang taon hanggang 486,000 yuan bawat tonelada.
Bukod sa lithium tumaas din ang presyo ng iba pang metals na ginagamit para sa paggawa ng baterya gaya ng cobalt at nickel bunsod ng sigalot sa pagitan ng Russia at Ukraine kung saan kilala ang Russia bilang pangunahing producer ng metal.