Posible pang tumaas ang presyo ng mga litson sa bisperas ng bagong taon.
Sa pahayag ni La Loma Lechoneros Association President Ramon Ferreros, dahil sa paglaki ng demand at sa pagtataas ng presyo ng mga supplier ay lalong nadadagdagan ang presyo ng mga litson sa merkado.
Bukod pa dito, mataas din ang bayad o singil ng mga biyahero sa paghango ng mga baboy na galing sa ibat-ibang probinsya partikular na sa Visayas.
Sa ngayon ang presyo ng lechon sa ilang lugar ay nagkakahalaga ng P8,000 hanggang P18,000. — Sa panulat ni Angelica Doctolero