Bumaba ang presyo ng lokal na bigas sa ilang pamilihan.
Sinasabing ito’y maaaring epekto ng pagpapatupad ng Rice Tariffication Act kung saan magtatanggal ng limitasyon sa importasyon ng bigas kasabay naman ng pagpapataw ng taripa sa imported rice.
Ngunit ayon kay Agriculture Secretary Emmanuel Piñol, depende ito sa mga traders kung payag ang mga ito na ibaba pa ang kanilang presyo.
Ayon sa Bureau of Plant Industry o BPI, ang pumasok na inangkat na bigas sa bansa ay nasa halos 170,000 metriko tonelada.
Mula raw ito sa request na 819,000 metriko tonelada mula nang ipatupad ang Rice Tariffication Act.