Posibleng bumaba ang presyo ng lokal na bigas sa susunod na taon dahil sa pag-alis sa quantitative restrictions sa rice imports.
Ayon sa National Economic and Development Authority, syete pesos ang posibleng matapyas sa presyo ng well-milled rice at singko pesos sa farm gate price sa oras na tanggalin ang Q.R para sa rice imports sa Hulyo.
Inihayag ni NEDA director-general at socioeconomic planning Secretary Ernesto Pernia na makatutulong sa mga magsasakay ang restriksyon sa pag-aangkat ng bigas at matitiyak ang food security maging ang mababang presyo nito para sa mga mahirap.
Nananatili sa 3.5 percent ang food inflation simula pa noong Nobyembre matapos maputol ang limang buwang sunud-sunod na pagsirit ng presyo ng bigas.
By Drew Nacino