Nilinaw ng isang grupo na tataas ang presyo ng lokal na bigas sa susunod na buwan.
Sa panayam ng DWIZ, ipinaliwanag ni Bantay Bigas Spokesperson Cathy Istavillo na domino effect ang nangyayari sakaling tumaas ang presyo ng imported na bigas ay maapektuhan din ang lokal na produksyon nito.
Sinabi pa ng tagapagsalita na napakalaki ng apat na piso hanggang limang pisong pagtaas ng presyo ng bigas.
Samantala, sinabi ni Istavillo na dapat paghandaan ito ng gobyerno dahil hindi kakayanin ng mamamayan ang mataas na presyo ng naturang produkto.