Good News t Bad News ang tiyak na sasalubong sa publiko ngayong papasok na ang buwan ng Hulyo
Sa Good News.. magpapatupad ng bigtime rollback sa presyo ng LPG o Liquified Petroleum Gas ang mga oil companies simula bukas, Hulyo 1
Ayon sa mga source mula sa industriya, papalo sa 3 hanggang 4 na piso ang itatapyas sa kada kilo ng LPG o katumbas ng 33 hanggang 44 na piso sa kada 11 kilong tangke nito
Pero ang Bad News.. may panibagong taas presyo na naman sa mga produktong petrolyo na ipatutupad sa Martes, Hulyo 2
Batay sa pagtaya ng mga source sa industriya, aabot sa 1.20 sentimos hanggang 1.30 sentimos ang posibleng itaas sa presyo ng kada litro ng Gasolina
90 sentimos hanggang piso naman ang posibleng imahal sa presyo ng kada litro ng Diesel gayundin ng Kerosene o Cooking Gas