Asahan ang rollback sa presyo ng Liquefied Petroleum Gas o LPG sa susunod na buwan.
Tanatayang nasa P3.00 hanggang P4.00 ang itatapyas sa kada kilo ng LPG.
Katumbas ito ng P33.00 o P44.00 diskwento sa kada tangke ng LPG.
Ang naturang rollback ay bunsod ng pagbagsak ng presyo ng langis sa pandaigdigang merkado na dahilan din ng sunud-sunod na rollback sa mga produktong petrolyo.
By Ralph Obina