May nagbabadyang pagbaba sa presyo ng Liquified Petroleum Gas o LPG anumang oras ngayong araw.
Ayon sa ilang source mula sa industriya, maglalaro mula sa P1.80 hanggang P2.30 ang inaasahang rollback sa kada kilo nito.
Ang nasabing tapyas presyo ay bunsod ng pagbaba ng presyo ng LPG dahil sa mataas na suplay nito sa World Market.
Inaasahan din na magkakaroon ng rollback ang mga kumpanya ng langis sa presyo naman ng kada kilo ng Auto LPG.
By Jaymark Dagala