Posibleng tumaas ang presyo ng Liquefied Petroleum Gas (LPG) sa ikalawang quarter ng taon.
Ito ang babala ni Assistant Director Rodela Romero ng Department of Energy – Bureau of Oil Industry Management bunsod ng inaasahang pagtaas ng demand sa India.
Ayon kay Romero, mangangailangan ng maraming supply ang India, lalo’t nalalapit na ang eleksyon sa nasabing bansa.
Sa kabila nito, umaasa anya ang DOE na magtutuloy-tuloy ang rollback sa LPG.
Nito lamang linggo nang simulang ipatupad ng mga oil company sa Pilipinas ang tapyas-presyo sa LPG na P4.20 at AutoLPG na P2.35 per kilogram.
Dahil naman ito sa bumababang demand at lumakas na produksyon sa Middle East.