Nakatakdang mag – roll back ang Petron Corporation sa presyo ng LPG nito ngayong Biyernes, Disyembre 1.
Mababawasan ng P0.40 kada kilogram ang presyo nito na epekibo 12:01 ng umaga ng Biyernes.
Ang naturang roll back ay dahil sa resulta na din ng international contract price ng LPG ngayong Disyembre.
Sa ipinalabas na kalatas ng Petron, sinabi nito na bababa sa P0.40 kada kilogram ang kanilang Gasul at Fiesta Gas.
Habang ang kanilang Auto LPG ay bababa din ng P0.20 kada litro.