Posibleng bumaba sa susunod na linggo ang presyo ng Liquified Petroleum Gas (LPG).
Ito, ayon kay Energy Undersecretary Gerardo Erguiza Jr., ay bunsod ng paggalaw ng presyo sa International market.
Umaasa naman ang DOE na magiging matatag ang presyo ng petroleum products sa pandaigdigang merkado sa gitna ng kaguluhan sa pagitan ng Russia at Ukraine.