Posibleng tumaas muli sa Disyembre ang presyo ng Liquefied Petroleum Gas (LPG).
Sa kabila ito ng sunod-sunod na rollback na ipinatupad sa presyo ng produktong petrolyo, dahil sa paggalaw ng presyo sa pandaigdigang merkado.
Ayon kay Atty. Rino Abad, Director ng DOE Oil Industry Management Bureau, kadalasang nagaganap ang price hike sa LPG sa buwan ng Nobyembre at Disyembre dahil sa epekto ng LPG inventory build-up.
Bagaman hindi 100% na nakikita ni Abad ang taas-presyo, tiwala siyang magaganap ito sa susunod na buwan.
Matatandaang nitong Nobyembre, aabot sa P3.50 centavos kada kilogram ang itinaas sa presyo ng LPG, habang P1.96 centavos sa kada litro ng AutoLPG.