Tiniyak ng Department of Energy o DOE na magiging stable ang presyo ng Liquefied Petroleum Gas o LPG ngayong Kapaskuhan.
Ayon kay Energy Assistant Secretary Leonido Pulido III, wala pa silang namomonitor na posibleng maging dahilan ng paggalaw sa presyuhan ng LPG.
Gayunman hindi pa rin iniaalis ni Pulido ang posibilidad na magkaroon ng pagtaas sa presyo ng LPG dahil sa mga pagbabago ng demand sa ibang bansa.
Sinabi naman ni LPGMA Representative Arnel Ty na kanilang nakikitang magiging matatag ang presyo ng LPG dahil wala naman silang nakikitang pagbabago sa mga bansang pinanggagalingan ng mga produkto petrolyo.
Sa kasalukuyan, naglalaro ang presyo ng LPG mula sa P550 hanggang P600.
—-