Unti-unti nang bumababa ang presyo ng kada kilo ng luya sa mga pamilihan.
Ayon sa report, nasa P200 piso na lamang mula sa dating halos P300 piso ang kada kilo ng luya.
Sinasabing ang muling pagbabalik ng imported na luya na P180 pesos ang kada kilo ang siyang dahilan ng pagbaba ng presyuhan sa merkado na nagkakahalaga ng P170 hanggang o ng lokal na luya.
Bukod sa luya, bumaba na rin ang presyo ng kada kilo ng calamansi mula sa P100 piso ngayon ay nasa P70 pesos ang kada kilo.
Ngunit sa Kidapawan City, nananatiling mataas ang presyo ng luya na sinundan ng sili na mabibili sa halagang P200 – P300 pesos ang kada kilo.
Katuwiran ng mga tindera, ito’y dahil sa tinamaan ng El Niño ang mga taniman sa kanilang lugar kaya’t hirap silang makipagsabayan sa presyuhan ng mga nabanggit na produkto sa merkado.
By Jaymark Dagala