Sumirit ang presyo ng kada kilo ng luya sa mga pamilihan bunsod ng epekto ng nararanasang mainit na panahon.
Sa mga lalawigan ng Ilocos Norte at Bataan, aabot sa P250 piso ang kada kilo ng luya mula sa dating P160 piso.
Sa Mega Q Mart sa Quezon City, nasa P240 piso naman ang bentahan ng kada kilo ng luya na mas mahal pa sa kada kilo ng baboy at manok.
Bukod sa luya, nagtaas na rin ng P10 piso ang kada kilo ng ilang gulay sa naturang pamilihan tulad ng kamatis, baguio beans at repolyo.
By Jaymark Dagala