Patuloy na binabantayan ng Department of Trade and Industry o DTI ang epektong dulot ng bird flu sa isang poultry farm sa Cabiao, Nueva Ecija noong isang linggo.
Ito’y kahit pa una nang sinabi ng Department of Agriculture o DA na kontrolado na nila ang kaso ng bird flu sa nasabing lugar.
Ayon kay DTI Undersecretary Ted Pascua, posible kasing makaapekto sa pagbaba ng presyo ng manok sa mga palengke ang naitalang kaso ng bird flu lalo’t mataas pa naman ang demand nito ngayong Kapaskuhan.
Batay sa pinakahuling monitoring ng DTI sa presyo ng manok, papalo na 130 hanggang 150 pesos ang kada kilo ng karne ng manok makaraang maiulat ang pito hanggang sampung pisong pagtaas sa presyo nito.
Maliban sa manok, posible ring tumaas ang presyo ng karne ng baboy sa mga susunod na araw bunsod din ng mataas na demand dito ngayong panahon ng Kapaskuhan.
—-